UNLITAWAG15

May 24 oras na unlitawag sa TM/Globe, P15 lang!

  • Walang maintaining balance na kailangan para magamit ang UNLITAWAG15.
  • Ang UNLITAWAG15 ay available nationwide para sa TM subscribers.
  • Pwedeng i-Extend ang Unlitawag15, P5 lang per day.
  • Habang naka-register sa UNLITAWAG15, hindi pwedeng mag-register sa ibang promos na may calls gaya ng: COMBO10, COMBO15, AstigCombo10, AstigCombo15, UnliCo mbo20, o UnliCombo100.
  • To register, i-text lang ang KEYWORD at i-send sa 8080. Pwede ring mag-register sa *143# menu.
KEYWORD DESCRIPTION RATES ACCESS #
U15 To register to the promo. P15 8080
U15 INFO To inquire about the promo. FREE 8080
U15 BAL To check your balance/status. FREE 8080
U15 STOP To unsubscribe. FREE 8080

 

  1. Ano ang UNLITAWAG15?
    Ang UNLITAWAG15 ay nagbibigay ng unlimited na pantawag sa TM/Globe subscribers. Ito ay valid for 1 day sa halagang P15 lang.

  2. Magkano ang kaltas sa load pag nag-register sa UNLITAWAG15?
    P15 ang mababawas sa load mo pag nag-register sa UNLITAWAG15. Walang maintaining balance para maka-register o magamit ang service.

  3. Paano mag-register sa promong ito?
    Para mag-register sa UNLITAWAG15, i-text ang U15 sa 8080. Maaari ring mag-register sa *143# menu.

  4. Pwede ko bang i-extend ang UNLITAWAG15?
    Sorry, hindi available ang Extend sa UNLITAWAG15.

  5. Available ba ito nationwide o sa piling lugar lang?
    Ang UNLITAWAG15 ay available nationwide sa lahat ng TM subscribers.

  6. Pwede ba akong mag register sa ibang promo habang naka-register sa UNLITAWAG15?
    Sorry, hindi ka maaaring mag-register sa anumang promo na may calls habang naka-register sa UNLITAWAG15 gaya ng Combo10, Combo15, AstigCombo10, AstigCombo15, UnliCombo15, UnliCombo20 o UnliCombo100.

  7. Ako ay naka-TM SIM. Pwede ba akong mag-text at tumawag sa naka-SMART, TNT o SUN gamit ang promong ito?
    Maaari mo lang gamitin ang unlimited calls sa lahat ng TM/Globe subscribers.

  8. Pwede ba akong tumawag kaagad matapos mag-register (via 8080 or *143#)?
    Para makasiguro na hindi mababawasan ang load mo, hintayin muna ang confirmation message bago tumawag.

  9. May prefix pa ba na kailangang i-dial kapag tatawag?
    Wala na. Basta registered sa UNLITAWAG15, i-dial lang nang diretso ang TM/Globe number na gustong tawagan.

  10. Kailan mage-expire ang registration ko?
    Ang TM UNLITAWAG15 ay valid sa loob ng 24 hours or 1 day.

  11. Paano ko malalaman kung nag-expire na ang registration ko sa TM UNLITAWAG15?
    Makakatanggap ka ng text message na nagsasabing tapos na ang iyong subscription.

  12. Pwede ba akong mag-register ulit sa TM UNLITAWAG15 kahit active pa ang nauna kong subscription?
    Para masulit ang UNLITAWAG15, makabubuting hintayin munang mag-expire ang naunang registration bago mag-register ulit.

YOU MAY ALSO LIKE

FEATURED VIDEOS