TM SIM UPGRADE

Pwede nang mag-upgrade to LTE, ka-TM!
Keep your old prepaid number, meron pang FREE 1 GB data valid for 3 days!

Level up na sa mas mabilis at mas malakas na internet connection with FREE TM LTE upgrade SIM! Pumunta lang sa pinaka-malapit na Globe store at magdala ng two (2) valid IDs para mag-claim ng libreng SIM. Siguraduhing i-backup ang SIM contacts at text messages sa memory ng phone mo bago gawin ang steps na ito.

Step 1: Gamit ang lumang SIM, i-text lang ang UPGRADE sa 8080 at may matatanggap kang upgrade code.

Reminders:

  • Huwag i-share ang unique upgrade code kahit na kanino.
  • Tandaan ang upgrade code.
  • Valid ang upgrade code for 15 minutes lang.

Step 2: I-insert ang new TM SIM sa phone mo at hintaying lumabas ang menu sa loob ng 5 minutes or depende sa bilis ng phone mo.








Step 3: I-enter ang 6-character upgrade code at press OK.


Step 4: I-restart ang phone kapag natanggap na ang upgrade code.






Step 5: Makakatanggap ka ng successful upgrade notification sa loob ng 5 minutes.


Pwede mo pa ring magamit ang lumang number mo pati na rin ang natirang load balance, promo, and TM Rewards points na nasa lumang SIM mo.

Para sa Internet connection na up to 42 Mbps, mag-register na sa surf promos ng TM! Dial *143#.

 

  1. Saan pwede makakuha ng FREE TM Upgrade SIM?
    Pumunta lang sa pinakamalapit na Globe store para i-claim ang FREE TM Upgrade SIM.
  2. Ano ang requirements para makakuha ng Upgrade SIM?
    Ipakita lang ang text galing sa TM at i-present sa Globe store representative. Kung walang text na natanggap, ipakita lang ang working TM SIM na gusto mong i-upgrade at valid I.Ds.
  3. Magkano ang TM Upgrade SIM?
    Free ang SIM na ito, ka-TM.
  4. Paano ko makukuha ang free 1 GB surfing valid for 3 days?
    Makukuha mo ang iyong free 1 GB surfing valid for 3 days kapag nag-upgrade ka from non-LTE to LTE SIM. Kung naka-LTE ka na at nag-upgrade ka ulit, hindi mo na makukuha ang freebie mo. Ang freebie ay para lamang sa non-LTE to LTE upgrade.
  5. Maaari ko bang gamitin ang Prepaid LTE SIM sa lahat ng handsets?
    Oo. Magwo-work ito sa lahat ng cellphones or handsets types. Pero, para sa mas mabilis na browsing experience, dapat LTE-capable device ang gamit mo at dapat nasa LTE-covered areas ka.
  6. Paano mag-set-up ng internet sa cellphone ko?
    Text GO to 2951, at i-save lahat ng settings na matatanggap mo.
  7. Pwede ko pa bang ma-copy ang mga contacts at messages sa luma kong SIM na wala ng signal?
    Oo. Maaari mo pa rin maaccess ito kahit wala ng signal ang luma mong SIM.
  8. Free ba ang pag-text ng UPGRADE keyword sa 8080?
    Oo. Libre ang pag-send ng UPGRADE sa 8080.
  9. Na-i-send ko na ang UPGRADE sa 8080, pero wala akong natatanggap na upgrade code. Anong dapat kong gawin?
    Don’t worry. Siguruhin lang na tama ang keyword na na-i-send mo at tama ang access number na pinadalhan. Kung wala ka pa ring matanggap na code, maghintay lang ng 5 minutes bago ka mag-retry.
  10. Meron akong lumang TM SIM na hindi na gumagana, pwede ko pa ba itong magamit kapag nag-upgrade ako?
    Sorry, pero pwede ka lang mag-upgrade kapag ang lumang TM SIM mo ay active at gumagana pa.
  11. Paano kung nawawala o nasira ang TM SIM ko? Pwede ba akong gumamit ng Upgrade SIM para magamit ko ulit ang lumang number ko?
    Para sa mga nawawala o nasirang SIM card, pumunta sa pinakamalapit na Globe store at mag-request ng bagong SIM card. Pwede mo pa rin magamit ang lumang number mo. Ang Upgrade SIM ay para lang sa LTE upgrade o kapag magpapalit ka ng size ng SIM card.
  12. Meron na akong natanggap na 6-character upgrade code. Mag-e-expire ba ito?
    Oo. Valid lang ang 6-character upgrade code mo for 15 minutes. Kapag hindi mo ito nagamit at nag-expire na, kailangang mag-send ulit ng UPGRADE sa 8080 gamit ang luma mong SIM card.
  13. Pwede ko bang magamit ang upgrade code ng dalawang beses?
    Sorry, pero isang beses mo lang pwede gamitin ang upgrade code.
  14. Ilang requests ng upgrade code ang pwede kong gawin?
    Pwede kang mag-request ng upgrade code ng limang beses. Kapag naka-lima ka na, pwede ka ulit mag-request pagkatapos ng 24 hours.
  15. Nailagay ko na ang bago kong TM Upgrade SIM, pero hindi pa lumalabas ang self-service menu. May problema ba sa SIM o sa phone ko?
    Hintayin mo lang na lumabas ang menu sa loob ng 5 minutes. May mga mobile phones na mas mabilis ang set-up time kaysa sa iba. Kung hindi pa rin ito mag-work, baka ang ginagamit mong phone ay hindi compatible sa Upgrade SIM. I-try mo gumamit ng ibang phone.
  16. Na-enter ko na ang 6-character upgrade code, pero hindi ito tinanggap. Anong dapat kong gawin?
    Ang upgrade code ay case-sensitive. Siguruhing tama ang capitalization ng upgrade code kapag nag-enter ka.
  17. Ilang incorrect attempts ang pwede kapag nag-e-enter ng upgrade code?
    May limang unsuccessful attempts na pwede sa loob ng isang araw. Kung maka-lima ka at hindi pa rin tinanggap ang code, pwede mong subukan ulit pagkatapos ng 24 hours.
  18. Nakumpleto ko na ang process ng pag-upgrade at nakapag-restart na rin ako ng phone ko. Paano ko malalaman na successful ang transaction ko?
    Makakatanggap ka ng text notification sa loob ng 5 minutes na naglalaman ng current number mo.
  19. Kapag nag-upgrade ako sa LTE, maiiwan ba sa phone ang contacts at text message ko?
    Bago ka mag-simula sa SIM upgrade, i-backup mo muna ang contacts at importanteng messages mo dahil ang mga information na naka-save sa lumang SIM mo ay hindi automatically mapupunta sa new LTE SIM mo.

PINAKABAGONG PROMOS

FEATURED VIDEOS