EasyMyfi

Ang Internet ng Barkada

Mobile data is life kaya i-level up na ang internet. Mag-online kahit saan, kahit kailan, at i-share ang WiFi sa lahat ng beshies with TM EasyMyFi. For only P1,295 may pocket WiFi ka na!

 

  • Pwede mong i-share ang LTE WiFi connection mo sa up to 16 devices at a time.
  • Umaabot ng 42 Mbps ang LTE speed ng TM EasyMyFi.
  • May libreng 5 GB ang lahat ng TM EasyMyFi users na valid ng 7 days.

 

To redeem your 5 GB Freebie:

  1. Ilagay ang TM EasyMyFi SIM sa loob ng cellphone.
  2. I-text ang “LIBRE5GB” sa 8080. Hintayin ang confirmation message bago tanggalin ang SIM.
  3. Pagkatanggap ng confirmation message, ilipat ang TM EasyMyFi SIM sa EasyMyFi device at pwede mo nang gamitin at i-share ang iyong LTE WiFi connection.

 

This promo is open to TM subscribers until March 31, 2019.
Per DTI FTEB-SPD Permit No. 18984, Series of 2018.

 

  1. Ano ang TM EasyMyFi?
    Ang TM EasyMyFi ay mobile pocket WiFi na may TM LTE SIM sa loob. Kapag nag-register ka sa kahit anong EasySURF data promo gamit ang TM EasyMyFi SIM at device, pwede mo nang i-share ang EasySURF mobile data mo sa up to 16 devices. LTE connection ang gamit ng TM EasyMyFi, kaya mas mabilis ang pag-surf mo online.
  2. Anu-ano ang features ng TM EasyMyFi?
    LTE network ang gamit ng TM EasyMyFi, kaya ang internet speed nito ay umaabot ng up to 42 Mbps. Pwede kang mag-internet kahit saan, kahit kalian! I-on lang ang device—hindi na ito kailangan i-plug sa USB—at pwede ka nang mag-surf at i-connect ang up to 16 devices. Maaari ka ring mag-send at tumanggap ng text gamit ang pocket WiFi. Buksan lang ang iyong internet browser (tulad ng Google Chrome, Internet Explorer, Safari, Mozilla Firefox, atbp) at pumunta sa internet.globe.com.ph, tm.easymyfi.com.ph o sa 192.168.8.1.
  3. Saan ko mabibili ang TM EasyMyFi?
    Available ang TM EasyMyFi sa lahat ng TM-accredited retail outlets.
  4. Magkano ang TM EasyMyFi?
    Ang TM EasyMyFi device at SIM ay P1,295 lang! Sulit ito dahil isang beses mo lang kailangang bayaran ang device at mapapakinabangan na ito ng hanggang 16 devices. Pwedeng mag-ambagan sa gastos para makatipid habang nagsi-share ng internet. At ang mga sulit na mobile internet promo ng TM tulad ng EasySURF, pwede mo pang gamitin at i-share sa iba!
  5. May libre bang makukuha sa TM EasyMyFi? Paano ko kukunin ang freebie?
    Ang lahat ng TM EasyMyFi users ay may libreng 5 GB na mobile data na valid sa loob ng pitong araw! Para i-claim ang freebie, sundan lang ang sumusunod na steps:
    Gamit ang internet browser
    1. Ilagay ang TM EasyMyFi SIM sa loob ng TM EasyMyFi device.
    2. Buksan ang internet browser at pumunta sa internet.globe.com.ph, tm.easymyfi.com.ph o sa 192.168.8.1.
    3. I-type ang “LIBRE5GB” at i-send sa 8080. Abangan ang confirmation reply message bago gamitin ang freebie.

    Gamit ang cellphone
    1. Ilagay ang TM EasyMyFi SIM sa loob ng cellphone.
    2. I-text ang “LIBRE5GB” at i-send sa 8080. Abangan ang confirmation reply message bago gamitin ang freebie.
    3. Ilipat ang TM EasyMyFi SIM mula sa TM EasyMyFi device.
  6. Anong mangyayari kapag naubos ko na ang libreng 5 GB? Pwede pa ba akong mag-internet?
    Kapag naubos na ang libreng 5 GB o lumipas na ang pitong araw ng freebie validity, makatatanggap ka ng text. Pwede mong mabasa ang text gamit ang internet browser (internet.globe.com.ph, tm.easymyfi.com.ph o sa 192.168.8.1) o cellphone. Maaari ka pa ring mag-internet kung magre-register ka sa TM internet promos tulad ng EasySURF. Para alamin ang mga available na EasySURF promos, i-text at EZ MORE sa 8080. Kung hindi ka magre-register sa internet promos, mag-aapply ang regular browsing rate na P5/15 minutes.
  7. Pwede ko bang gamitin ang libreng 5 GB kasabay ng ibang TM offer?
    Oo, pwede mong gamitin ang freebie kasabay ng kahit anong TM offer.
  8. Pwede ko bang ipasa o i-share ang libreng 5 GB?
    Sa TM EasyMyFi SIM mo lang magagamit ang libreng 5 GB at hindi ito pwedeng ipasa sa ibang cellphone number o SIM. Pwede mo parin namang i-share ang libreng 5 GB sa up to 16 devices basta't nasa pocket WiFi device ang TM EasyMyFi SIM mo.
  9. Magagamit ko ba ang TM EasyMyFi sa ibang bansa?
    Hindi. Sa Pilipinas lang pwedeng gamitin ang TM EasyMyFi.
  10. Sinundan ko yung proseso pero hindi ko pa natatanggap ang libreng 5 GB ng TM EasyMyFi. Sino ang pwede kong tanungin tungkol dito?
    Pwede kang tumawag sa Globe Hotline na (02) 730-1000 o 211 via mobile.

PINAKABAGONG PROMOS

FEATURED VIDEOS